Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2018

Teknolohiya: Ang tulay sa pakikipagugnayan

Sa kasalukuyan marami ng gumagamit ng iba't-ibang uri ng teknolohiya. Ang teknolohiya ay nakakatulong sa atin sa komunikasyon, transportasyon at marami pang iba. Dahil dito ang buhay ay mas napadali dahil sa kakayahan ng mga teknolohiya Sa aking palagay komunikasyon ang isa sa pinaka importanteng gamit ng teknolohiya, dahil dito mas napadali ang buhay ng mga magkalayo na magka pamilya o magkasintahan at pati narin ang mga OFW dahil sa teknolohiya mas napadali ang pakikipag usap sa taga ibang bansa o malayong lugar. Pwede rin natin itong gawing paraan para makahanap ng bagong tao na pwede mong maging kaibigan pero dapat parin ay siguraduhing mabait ang kausap dahil hindi tayo sigurado kung ano ang balak nya Siguradong ang teknolohiya ay ang tulay ng pakikipagugnayan pero wag natin itong abusuhin kaylangan parin natin na makihalubilo sa kapwa natin personal dahil masmabuti ito kesa sa screen ng iyong cellphone o computer